P10-B budget para sa bagong istasyon ng LRT-2
- Madel Moratillo
- Oct 14, 2019
- 1 min read

Magkakaroon ng mga bagong istasyon ang Light Rail Transit Line-2 (LRT-2) na patungo sa shopping district ng Maynila.
Ayon sa Light Rail Transit Authority (LRTA), 10 bilyong piso ang ilalaang pondo para sa konstruksiyon ng LRT-2 West Extension Project na target makumpleto sa 2023.
Kabilang sa mga bagong istasyon ay sa Tutuban, Divisoria at Pier 4 sa Maynila.
Sa oras na maging operational, limang minuto na lang umano ang biyahe mula Recto Station hanggang Pier 4, habang ang travel time mula Masinag hanggang Pier 4 naman ay hindi lalampas ng isang oras.
Sa pagtaya ni LRTA Administrator Reynaldo Berroya, sa sandaling matapos ang proyekto ay madaragdagan pa ng 16,000 ang mga pasaherong maisasakay ng LRT-2, araw-araw, mula sa kasalukuyang 220,000 hanggang 240,000 pasahero na kanilang napagsisilbihan.
Ang WESTRAX Joint Venture umano ang makakatuwang ng pamahalaan sa bidding process para sa contractor ng proyekto.
Inaasahan namang masisimulan ng pamahalaan ang project procurement sa Enero ng susunod na taon.
Sa kasalukuyan, ang LRT-2 ang siyang nag-uugnay sa Recto Station sa Maynila at Santolan Station sa Pasig.





Comments