top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mister na pumatay sa step-daughter, arestado

  • Jeff Tumbado
  • Oct 14, 2019
  • 1 min read

Tuluyang nasukol ng mga awtoridad ang 54-anyos na lalaki na suspek sa brutal na pagpatay sa kanyang step-daughter sa Atimonan, Quezon, mag-iisang buwan na ang nakalipas.

Araw ng Sabado nang isagawa ang joint operation ng mga tauhan ng Special Operations Unit (SOU) ng Atimonan Police Station at Olongapo City Police Office-Station 6 laban sa suspek na si Dario Salomeri.

Natunton ng pulisya ang pinagtataguan ni Salomeri sa Bgy. Sta. Rita sa Lungsod ng Olongapo, batay sa mga nakuhang impormasyon na sa kamag-anak nito tumuloy makaraan ang krimen.

Hindi na nagawang makatakas ni Salomeri, step-father ng 16-anyos na biktimang si Regina Retis.

Matatandaang, sinaksak din ng suspek ang live-in partner nito na ina ng biktima na si Susan, na hindi napuruhan at nakaligtas sa tiyak na kamatayan.

Halos isang buwan na nagtago ang suspek na ngayon ay nahaharap sa mga kasong murder at frustrated murder.

Nakailang beses ding nagpahayag ng pagsuko at paghingi ng tawad sa pamilya ng biktima si Salomeri sa pamamagitan ng pagti-text subalit, hindi naman ito nagpapakita.

Ang nangyaring pagpaslang sa dalagita noong Agosto ay naging viral sa video na isang babaeng sinaksak sa leeg at nakatarak pa sa leeg nito ang itak

Wala pang malinaw na nakukuhang dahilan ang mga imbestigador sa suspek kung bakit ginawa nito ang krimen. Samantala, ang larawan ng suspek at biktima ay nasa pahina 5.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page