Kampo ng aktor, 'di nakatiis, pumalag… Ken, sapaw at napag-iiwanan ni Rita sa serye nila

Maraming fans ni Ken Chan ang nagri-react at umaapela dahil napapansin nila na parang mas malaki at markado ang role ni Rita Daniela as Jowalyn sa rom-com na One of the Baes. Mistulang kinakabog, sinasapawan at natatalbugan na raw ni Rita ang ka-love team niyang si Ken na kay Joyce Ching na ipinapareha.
Bale ba’y astig at ang lakas ng character ni Rita sa One of the Baes kaya tuloy siya ang nagmumukhang solong bida at sa titulo pa lang ng serye, parang sa kanya na umiikot ang buong kuwento.
At sa back story, siya ang nawawalang anak nina Amy Austria at Tonton Gutierrez, tapos si Ken bilang si Grant na anak ng mayaman, eh, napaka-light ng mga eksena at pa-vlog-vlog lang.
Hinahanap ng mga fans ni Ken ang bigat at impact ng role niya noon sa My Special Tatay.
Kung ibini-build-up ang RitKen love team, dapat ay pantay ang bigat ng role upang magkatulungan at mapasaya ang kanilang mga fans.
Kaya gustong iparating ng kampo ni Ken sa mga writers ng One of the Baes ang kanilang obserbasyon. Malaking aktor naman si Ken at marami nang shows na pinagbibidahan. Ibigay naman sa kanya ang kaukulang importansiya.





Comments