Horoscope | Oktubre 14, 2019 (Lunes)
- Maestro Honorio Ong
- Oct 14, 2019
- 2 min read

Sa may Kaarawan ngayong Oktubre 14, 2019 (Lunes): Palaging may oportunidad sa iyong harapan na kung iyong susunggaban ay aangat ang iyong kalagayan sa buhay.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Multo lang ang nakikita mong negatibong pananaw. Huwag mong kalimutan na ang multo ay walang laman at buto kaya wala kang dapat ipag-alala. Ituloy mo ang plano mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-19-22-25-37-40.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong hayaan na hindi ka makakilos dahil sa anino ng iyong nakaraan kung kailan ka nabigo. Ang mga nagtagumpay na ay nakaranas din ng kabiguan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-14-15-20-22-26-31.
GEMINI (May 21-June 20) - Nadadapa ang tao dahil siya ay may tuhod pero, ang kanyang tuhod din ang gamit niya sa pagtayo at paglalakad. Sapat ang taglay mong katangian para makaahon ka sa hirap. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-17-21-28-39-41-43.
CANCER (June 21-July 22) - Alam mong ikaw ay maramdaming tao, kumbaga, hindi na bago sa iyo ang balitang ito kaya kapag may nagsabi sa iyo na ganu’n ka, dapat ay wala itong epekto sa ginagawa mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-10-12-23-36-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Walang alam ang tao sa dahilan kung bakit nasasaktan siya. Ang langit ang nakaaalam na kailangang mangyari ang bagay nang mabigyang-daan ang magandang buhay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-14-17-26-29-30-33.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kapag gumalaw, nawawala ang ginaw. Kumuha ng aral sa buhay sa nasabing kasabihan at iyong isabuhay kapag kumilos ka. Lalakas ang loob mo at ikaw ay aasenso. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-16-21-27-32-36.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kadalasan, kusang lumalakas ang tao kapag galing siya sa sakit. Dapat mong malaman at huwag mong kalimutan ang katotohanan na kusang lumiligaya ang tao pagkatapos ng kabiguan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-14-18-20-28-35-37.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Sobrang malalim ang iyong pagkatao kung saan sinumang magtangkang kumilala sa iyo ay mamahalin ka nang todo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-13-15-21-25-28-34.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Damhin mo ang tagumpay dahil may karapatan ka para magsaya. Huwag mong kaligtaan na marami pang tagumpay ang naghihintay sa iyo sa landas ng buhay na iyong nilalakaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-10-17-18-20-21-23.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung wala kang tiwala sa tao, layuan mo. Walang nagkakagusto sa bulaklak na walang bango at lalong walang nagkakainteres sa bango na masakit sa ilong. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-20-21-24-25-35.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) – Muli, ipinaalala sa iyo na ang salita ng tunay na hula ay mahirap maunawaan pero, makukuha rin ang kahulugan. Sa ngayon, masasaktan ka at bukas ay liligaya ka. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-11-15-20-25-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi totoo na mas malakas sa iyo ang mga karibal mo. Kadalasan, ang akala ay wala namang katotohanan. Tulad ngayon, sa buhay mo, ang mga akala mo ay hindi naman totoo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-13-16-17-22-28-34.



Comments