top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

ASF hindi pa tapos, fish kill naman... polusyon pa more!

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 14, 2019
1 min read

Tone-toneladang isda ang namatay sa bahagi ng Manila Bay sa Las Piñas at Parañaque.

Kaugnay nito, maraming mangingisda ang umaaray na. Tinatayang aabot umano sa 60 porsiyento ang bumagsak sa kanilang kita sanhi ng nasabing fish kill.

May mga magtatahong din ang todo-diskarte sa gagawing pagba-budget. Anila, mula sa dating 10 sako ay dalawang sako na lang ang kanilang nahahango. Ang kinikitang P500, ngayon ay P300 na lang.

Matatandaang, pitong sako ng patay na isda ang ibinaon ng clearing team ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para maiwasan ang kontaminasyon. Literal na mas marami pa raw ang patay na isda kaysa sa basura.

Samantala, base sa pagsusuri ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), mababa ang dissolved oxygen na kinakailangan ng mga isda para mabuhay.

Mataas naman ang antas ng ammonia at phosphates sa tubig. Ibig sabihin, marumi ito.

Ang tanong, saan nanggaling ang polusyon? Maaari raw dahil sa madalas na pag-ulan.

Gayunman, tulad ng palaging paalala ng gobyerno, panatilihin nating malinis ang karagatan at iwasang marumihan, alang-alang sa mga buhay na naroroon na tayo ring mga tao ang nakikinabang.

Nakalulungkot na hindi pa natatapos ang problema sa palay at baboy, ngayon, sa isda naman.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page