3 tiklo sa droga
- Maeng Santos
- Oct 14, 2019
- 1 min read

Tatlong hinihinalang sangkot sa ilegal na droga ang nasakote sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Valenzuela City.
Kinilala ni Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) Head P/Capt. Segundino Bulan, Jr. ang mga naarestong suspek na sina Mark Anthony Bitao, Nelson Reyes at Roderick Momay.
Sa report ni SDEU Investigator PSSG Julius Congson kay Valenzuela Police Chief P/Col. Carlito Gaces, isinagawa ng mga operatiba ng SDEU ang buy-bust operation kontra sa mga suspek sa harap ng Corinthian School sa Bgy. Gen. T. De Leon.
Matapos iabot ng mga suspek ang sachet ng shabu sa isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer kapalit ng P200 marked money ay agad sumugod ang back-up na mga operatiba saka dinamba ang tatlo.
Nakumpiska sa mga suspek ang ilan pang sachets ng hinihinalang shabu, buy-bust money, P400 bill, yosi, cellphone at walang laman na sachet.





Comments