top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Wala raw masama, Sharon… Pagpapakita ng Boobs ni Kc, aprub kay Gabby

  • Janice DS Navida
  • Oct 13, 2019
  • 1 min read

Samantala, kung si Gabby ay wala munang lakas ng loob ngayon na magpakita ng kanyang katawan, suportado naman ng aktor ang pagdi-display ng anak niyang si KC Concepcion ng malulusog nitong dibdib sa Instagram.

Hiningi namin ang reaksiyon ni Gabby sa latest daring photo na ipinost ni KC sa kanyang IG account na para nga sa ilang netizens ay ‘too much’ na raw.

Pero kung ang ibang netizens ay ‘di nagus­tuhan ang pose ni KC, wala naman pala itong problema kay Gabby dahil hindi raw siya ‘yung tipong conservative at protective father.

“Well ako, I love art. Maganda naman ‘yung ganu’n. Marami naman akong nakikitang mga ganu’ng style, pero of course, coming from your daughter, nakakapanibago lang. But I’m open to that,” katwiran ni Gabby.

Well, iba man ang pananaw ni Gabby kung ikukumpara sa ibang ama na very protective sa kanilang anak na babae, siya ‘yun, eh!

Saka, nasa tamang edad na rin naman si KC at hindi na kailangang sabihan pa ng dapat gawin.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page