top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Tustadong kelot, nadiskubre

Janice Baricuatro
Oct 13, 2019
1 min read

Mistulang inihaw na baboy ang kinahinatnan ng hindi pa matukoy na lalaki na natagpuang sunog sa madamong bahagi ng Abaya Road, Bgy. Toclong, Kawit, Cavite, kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat na nakalap mula sa Kawit Police, alas-3:30 ng madaling-araw nang makatanggap ng tawag ang Kawit MPS na may isa umanong sunog na tao na natagpuan sa kahabaan ng Abaya Road, Bgy. Toclong.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, nakagapos ang mga kamay ng biktima sa likuran nito. Walang makuha ni anumang ebidensiya o pagkakakilanlan dito at hindi rin matukoy kung paano pinatay ang biktima.

Kasalukuyang nagsasagawa ng follow-up investigation ang pulisya sa tulong ng SOCO-Cavite.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page