top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

PNP Chief Oscar Albayalde, kakasuhan ang nagdidiin sa kanya sa pagre-recycle ng droga

  • Korina Sanchez
  • Oct 13, 2019
  • 2 min read

Sino kaya ang tinu­tukoy ni PNP Chief Gen. Oscar Albayalde na plano raw niyang kasuhan? Walang bina­banggit si Gen. Alba­yalde kundi “alam na natin kung sino ang nagbabato ng mga maling akusasyon sa akin.”

Kung ganu’n, ang mga taong nagsalita kontra sa mga pahayag ni Maj. Rodney Baloyo pati na rin sina Baguio City Mayor at ex-CIDG Chief Benjamin Maga­long at PDEA Director Aaron Aquino ang maaaring nasa listahan.

Pero, kung nasusu­baybayan natin ang mga nakaraang pagdinig sa Senado, mapapansin nating karamihan sa mga senador ay kumbinsi­dong may pagkakamali si Gen. Albayalde.

Sa tanong naman kung kakasuhan si Gen. Albayalde, ang sagot ay hindi pa matiyak.

Pero, ang dapat kasuhan ay ang 13 pulis na bahagi sa kontro­bersiyal na operasyon sa Pampanga. Na-demote sila ng isang ranggo, pero sana, ma-dismiss na sila nang tuluyan.

Ilang linggo na lang ay magreretiro na si Gen. Albayalde. Hin­tayin natin kung ano ang susunod na kabanata sa isyu ng “Ninja Cops”.

◘◘◘

Hindi lang daw si Pangulong Rodrigo Duterte ang gagamit ng Gulfstream G280, ang kabibili lamang na jet na bilyones ang halaga.

Giit ni Defense Sec. Delfin Lorenzana, binili ang eroplano para sa Philippine Air Force para magamit bilang “airborne command center” ng AFP (Armed Forces of the Philippines) at DND (Department of National Defense). Pero siyempre, puwede itong magamit ng pangulo bilang commander-in-chief ng AFP.

Samantala, patuloy ang pagdepensa ng administrasyon sa pag­bili ng ‘mamahaling eroplano’ at may pa­tutsada pa sa mga kritiko.

Sana, maintindihan ni Sec. Lorenzana na kaya pinupuna ang pagbili nito ay dahil marami ring ibang problema ang bansa.

Isipin ninyo, hindi mabigyan ng umento ang mga nurse dahil wala raw mahanap na pondo, ito ay kahit may desisyon na umano ang Korte Suprema. Dagdag pa ang pramis na itataas din ang suweldo ng mga guro.

Mabuti pa ang kapulisan at military, nakukuha nila ang mga nais nila ngayon. Na­doble na ang suweldo, nadagdagan pa ang benepisyo, tapos nga­yon, merong maganda at mamahaling erop­lano. May plano pang bumili pa ng dalawang submarines, ‘di ba?

At siyempre, kung kayang-kaya nilang bumili ng ganyang kagamitan, natural, may ibang sektor ng lipunan ang nais mabigyan ng pansin.

Sana lang din, huwag nilang kalimutan na galing sa buwis ng ma­ma­mayan ang ipinam­bibili sa mga ‘yun.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page