top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Pier, nilunod ang Fuels

ATD
Oct 13, 2019
2 min read

Kinalsuhan ng NorthPort Batang Pier ang four-game skid matapos nilang pagpagin ang Phoe­nix FuelMasters, 80-70 sa PBA Governor’s Cup kagabi sa Araneta Coliseum.

Kumayod si Moala Tautuaa ng 16 points, 9 na rebounds at 4 assists upang tulungan ang Batang Pier na ilista ang 2-4 karta at ma­natiling may tsansa sa asam nila sumampa sa susunod na phase.

Ipinaramdam agad ng Batang Pier ang kanilang la­kas matapos kargahin ang 7-point lead, 38-31 sa unang dalawang periods.

Bahagyang kumapit ang FuelMasters sa 3rd period, naibaba nila sa talo ang hina­habol, 55-58 papasok ng 4th.

Hindi nasira ang loob ng Batang Pier, nanatili sa ben­tahe upang makuha ang im­portanteng panalo.

Bumakas si Paolo Taha ng 14 puntos.

Samantala, pakay ng San Miguel Beer na manatiling malinis ang kanilang karta pagharap laban sa Barangay Ginebra Gin Kings ngayong 6:45 p.m. sa Big Dome.

Nahirapan ang Beermen sa kanilang huling laro nang talunin nila ang Magnolia Hotshots, 90-89 at nanini­wala silang mas mahirap ang laban nila sa crowd favorite Gin Kings.

Muling kakapitan ng Beermen si import Dez­mine Wells na nagtala ng 33 points, 7 rebounds at 5 as­sists sa pa­nalo nila sa Hot­shots noong Biyernes.

Inaasahang makakatu­wang ni Wells sina five-time Most Valuable Player, (MVP) June Mar Fajardo at point guard Alex Cabagnot.

Para sa Gin Kings, pun­tirya nilang kalsuhan ang two-game skid kaya huhugot sila ng lakas kay balik import Justin Brownlee.

Galing sa masaklap na talo ang Ginebra, nalugmok sila sa NLEX Road Warriors, 111-113.

Bukod kay Brown­lee, ibabangga din ng Gin Kings sina Greg Slaughter, Stanley Pringle at LA Tenorio. May 4-0 karta ang Beermen ha­bang 1-2 ang baraha ng Gin Kings.

Magtatapat sa unang laro ang Alaska Aces at Rain or Shine Elasto Painters ng 4:30 p.m.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page