top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Manzo at Ahanmisi pambato ng Maroons at Soaring Falcons

MC / VA
Oct 13, 2019
1 min read

Namuno si Jun Manzo sa first five ng University of the Philippines kahapon sa MOA Arena na malakas ang naging simula at binitbit ang team kontra University of the East, 76-69 para sa kinakailangang bounce-back win sa UAAP 82 Men’s Basketball Tournament.

Inagapayan si Manzo ng mga kakamping sina Bright Akhuetie at Kobe Paras, maging nina Jaybie Mantilla at Jaydee Tungcab sa lineup at pinalakas din ni head coach Ricky Dandan para pumalaot sa panalo.

Lahat ng first five ay gumalaw at nagpapaulan ng score para sa 18-2 lead. Binalasa man ang limang players ng UE Red Warriors pero hindi rin nakaporma sina Alex Diakhite at Rey Suerte bagamat nakapatas sa 41-all sa huling bahagi ng 2nd quarter.

Samantala, malaki ang naging kontribusyon sa laro para sa Adamson University ng mga bagong player na si Jerrik Ahanmisi dahil sa mainit niyang laro tungo sa 72-53 na panalo laban sa National University Bulldogs sa sumunod na laro.

Matikas ang mga first-year players na sina AP Manlapaz at Lenda Douanga para sa Soaring Falcons na kailangang magwagi upang magkaroon pa ng pag-asa sa playoffs ng UAAP 82 Men’s Basketball Tournament.

“It’s been a while since I’ve been here. We really needed this win,” ayon kay head coach Franz Pumaren matapos magwagi ang koponan na inabot pa ng isang buwan.

Nakagawa si Manlapaz ng 14 puntos, 6 rebounds at 2 assists habang si Douanga ay pumoste ng 11 marka.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page