Horoscope | Oktubre 13, 2019 (Linggo)
- Maestro Honorio Ong
- Oct 13, 2019
- 2 min read

Sa may Kaarawan ngayong Oktubre 13, 2019 (Linggo). Akyat-baba ang buhay mo. Gayunman, sa huli ay ginagarantiyahan ng kapalaran mo na mas mataas ang mararating mo kesa sa pinangarap mo.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muli, susulong ang iyong kabuhayan. Gayundin, muling maglilitawan ang mga naiinggit sa buhay mo. Huwag mo silang pansinin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-19-20-23-36-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Muli mong isabuhay ang isang atras at dalawang pasulong na paghakbang pupunta sa iyong pangarap. Sa ganito, malilito ang iyong mga kakumpitensiya at sila ay maiiwanan mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-15-16-23-33-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Lihim na kumikilos ang kapalaran mo para ikaw ay umasenso. Hindi mo ito mamamalayan dahil kapag iyong nalaman, magsasaya ka at aatras ang iyong kalagayan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-15-18-24-27-35-43.
CANCER (June 21-July 22) - Nakatutok sa iyo ang lahat ng mga mata sa iyong paligid. Pagbutihin mo at mabuhay ka sa tama at matuwid dahil ito ang magiging susi upang lalo pang gumanda ang buhay mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-12-23-31-33-36.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ngayon ang tamang panahon para tutukan mo ang pagnenegosyo. Mula sa maliit, lalaki ito at ikaw ay yayaman. Ang ibig sabihin ng tutok ay isara mo ang iyong bibig. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-11-12-28-30-37.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ipatupad mo ang kakaibang ideya na bigla mong naisip. Ito mismo ang magbibigay sa iyo ng magagandang kapalaran. Ngayon mo na ito gawin bago ka muling maunahan ng kapwa mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-13-14-21-22-26.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakatutuwa ka. Muli kang aalukin ng masarap na buhay. Malilito ka kung tatanggapin mo ito pero, makikitang gustung-gusto mo ito at sa huli ay susunggaban mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-21-25-29-38-44.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pilit mong isinasara ang pintuan ng iyong kaligayahan pero, sa huli, kusa itong bubukas at ikaw ay hihigupin ng hindi maipaliwanag na lakas at ikaw ay liligaya. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-19-22-24-33-35.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong angkinin ang iyong tagumpay ngayon at sa mga araw na darating. Mahirap mang tanggapin, mismong kapalaran mo ang gumawa ng paraan at hindi ikaw. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-11-15-18-22-24-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Aabante ang buhay mo dahil sa mga tulong na ipagkakaloob sa iyo. Bibilis din ang pagyaman mo dahil ang langit ay matutuwa sa iyo dahil sa kabutihang ipinakita mo sa iyong kapwa. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-14-19-23-26-39-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Dumarami ang naiinggit sa iyo dahil nakikita nila na masarap ang iyong buhay. Ang hindi nila alam ay malalim ang lungkot mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-17-18-22-23-33.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Makakukuha ka ng suwerte sa mga suwerteng ihuhulog ng langit. Para malaki at mas marami ang mapunta sa iyo, patawarin mo na ang mga nakagawa sa iyo ng pagkakamali. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-12-28-30-31-36-46.





Comments