top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

GF, todo-buyangyang… Ruru kaya Bianca: tumigil ka na!

Nitz Miralles
Oct 13, 2019
1 min read

Nitz Miralles / Bida

Hala, nagalit na si Ruru Madrid kay Bianca Umali dahil sa pagpo-post ng aktres ng mga pictures niya in her two-piece swimsuit. Ang ganda pa naman ng smile ni Bianca sa picture na may caption na: “Simply happy.”

Tapos, mababasa ang comment ni Ruru na “Stop” at may emoji na nakatakip ang mga mata. Si­nundan pa ng comment ni Julie Anne San Jose na “@rurumadrid8 grabe na ‘to bro,” na parang isinu­sumbong si Bianca.

Tinanong si Ruru kung bakit pi­na­titigil niya si Bianca, pero hindi sumagot ang aktor. Maganda sana kung sinagot niya ang comments at ang tanong kung sila na bang dalawa.

Mapapanood sa Sunday Pina­Saya ngayong Linggo sina Ruru at Bianca at kapag hindi sila nagpan­sinan, ibig sabi­hin, may LQ ang dalawa at dahil ‘yun sa swimsuit picture ng aktres.

Bakit nga kaya hindi pagtambalin ng GMA-7 sina Ru­ru at Bianca? Tiyak na papatok dahil ma­rami na rin si­lang mga fans at marami ang nagsi-ship sa kanila.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page