top of page

Gagamba at alupihan sign na may mang-i-scam sa nanaginip

  • Socrates Magnus
  • Oct 13, 2019
  • 1 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Azialg ng Azialg_Parcat@facebook. com

Dear Professor, Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko na gagamba at alupihan na pinatay ko?

Naghihintay, Azialg

Sa iyo, Azialg, Ginagamit ang larawan ng mga nakakatakot na hayop ng mga grupo na may masamang hangarin sa kapwa kaya hindi sinadya na ang simbolo ng triad o sindikato ay kadalasan na larawan ng dragon, habang ang iba ay scorpion at ang iba pa ay ang gagamba o centipede.

Mapapansin na halos lahat ay may galamay na nagsasabing malawak ang kanilang impluwensiya at sila ay sobrang mapanganib.

Sa panaginip, napatay mo ang gagamba at alupihan na ang ibig sabihin ay mag-ingat ka sa mga scammer na ang layunin ay ang manloko ng tao.

Gayunman, ang ibig sabihin ng napatay mo ang gagamba at alupihan ay naglaban kayo at ikaw ang nanalo laban sa mga scammer.

Sa bawat laban, may mga effort na ipinupuhunan at minsan, kailangan ang ibayong tapang, gayundin, kailangang magsakripisyo para manalo.

Dahil dito, ihanda mo ang sarili mo laban sa mga manloloko, gayundin, ang tapang at lakas ng loob mo na maaaring mawala sa iyo sa inyong paglalaban.

Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page