Bawas-trapik.. Gov’t officials mag-commute
- BRT
- Oct 13, 2019
- 1 min read

Pinag-aaralan ni Iligan City Rep. Frederick Siao ang panukalang-obligahin ang mga matataas na opisyal ng gobyerno na mag-commute kahit isang beses sa isang linggo.
Ani Siao, maghahain siya ng panukalang-batas na mag-oobliga sa mga elected official, cabinet member at division chief na mag-commute gamit ang tricycle, jeepney, bus at tren kada Lunes upang makatulong sa pagpapababa ng bilang ng mga pribadong sasakyan na dumaraan sa mga matrapik na lugar.
Sa pamamagitan umano ng paggamit ng public transport, maipababatid sa mga public official ang lingguhang pagdurusa ng mga mananakay sa pagbiyahe.
Matatandaang, inabot nang halos apat na oras si Presidential Spokesperson Salvador Panelo bago makarating sa Malacañang mula Marikina.
Ito ay kaugnay sa kanyang pagkasa sa commute challenge.





Comments