top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Babaeng makakapag-abroad pero gastador kaya dapat todo-tipid para yumaman

  • Maestro Honorio Ong
  • Oct 13, 2019
  • 2 min read

Maestro Honorio Ong

Katanungan

  1. Gusto kong mag-abroad dahil ito lang ang alam kong paraan para maiahon sa kahirapan ang mga magulang ko sa aming probinsiya. Balak kong mag-apply bilang domestic helper sa Dubai.

  2. May pag-asa kaya akong makapag-abroad at kapag natuloy ako, magiging maganda kaya ang trabaho ko roon at magkakaroon kaya ako ng mabait na employer?

Kasagutan

  1. May malinaw, makapal at malawak na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad, tanda na sa malapit na hinaharap, may pangako ng maalwan at positibong pangingibang-bansang itatala sa iyong kapalaran na madaling kinumpirma ng birth date mong 1. Karamihan sa mga taong nagtataglay ng birth date na 1 ay nakapag-a-abroad. Ang problema lang sa kanila ay kapag nasa abroad na, hindi sila natututong magtipid o magsinop ng kabuhayan kaya ang nangyayari, sa umpisa lang nagiging maalwan ang kanilang pamumuhay at habang tumatagal, mabilis na nauubos ang kanilang kinita sa ibayong-dagat.

  2. Hindi dapat mangyari ‘yun sa iyo kaya ngayon pa lang ay pinaaalalahanan ka na ng iyong kapalaran na kung sakaling bigyan ka ng magandang pagkakataong makapag-abroad, sikapin mong maging matipid sa bawat salapi na iyong mahahawakan.

Sa ganyang paraan, hindi ka gastos nang gastos sa kung anu-anong bagay na hindi mo kailangan, mabilis kang uunlad at makaiipon ng sapat na salapi upang madali mong mapaunlad ang kabuhayan ng inyong pamilya sa probinsiya. Mga Dapat Gawin

  1. Ang pag-a-abroad ay paunang hakbang lamang upang maiahon sa kahirapan ang iyong pamilya. Sa ikalawang hakbang, ang kailangan mong matutunan ay maging masinop sa bawat sentimo na iyong kikitain sa ibang bansa.

  2. Sa ganyang paraan, kapag natapos na ang iyong kontrata sa abroad at dahil naging masinop ka sa buhay, hindi ka matutulad sa mga OFWs na walang nangyari sa kanilang kabuhayan matapos makapangibang-bansa.

  3. Ayon sa iyong mga datos, Ria, nakatakda na ang magaganap, ngayong taong kasalukuyan, sa buwan ng Nobyembre o Disyembre, sa edad mong 32 pataas, may mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa iyong kapalaran.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page