top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

5 menor-de-edad tiklo sa droga

Jeff Tumbado
Oct 13, 2019
1 min read

Nadakip ng mga awtoridad ang limang menor-de-edad na lalaki matapos maaktuhang humihitit ng marijuana sa Lungsod ng Zamboanga.

At dahil pawang mga nasa 15 hanggang 17 ang edad, hindi na tinukoy ang kanilang pangalan at nasa pangangalaga na ng City Social Welfare and Development (CSWD).

Ayon sa pulisya, madaling-araw ng Sabado, habang sabay na nagpapatrulya ang elemento ng Zamboanga City Police at militar sa Bgy. Sta. Barbara nang mapansin nila ang grupo ng kabataan na nagtitipon sa isang madilim na bahagi ng kalsada.

Nang kanilang lapitan ay agad nagtakbuhan kung saan nagma-marijuana pala ang mga ito.

Hanggang sa makorner din at nakumpiska sa posesyon ng isa sa apat na kabataan ang ilang tuyong dahon ng marijuana na nakasilid sa mala-teabag na sachet.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page