Sinabihan daw ng saleslady na mukha siyang 'can't afford'… Regine, aminadong mukhang ba

Inamin ni Regine Velasquez na hanggang ngayon ay nakakaranas pa rin siya ng discrimination sa ibang bansa. Matatandaan kasing sa latest vlog ni Asia’s Songbird sa YouTube ay ikinuwento niya kung papaano siya na-discriminate sa Louis Vuitton store sa New York na nangyari way, way back pa.
Maraming naka-relate sa kuwento ni Regine pero ayon kay Songbird, nakatanggap din siya ng pamba-bash dahil dito.
“There are many also na bina-bash ako na parang ang OA naman, atsutsutsu, ganyan-ganyan,” sabi ni Regine sa presscon ng Iconic concert nila ni Sharon Cuneta last Thursday.
“Actually, nae-experience ko pa rin ‘yan ngayon,” pag-amin niya.
“Kasi ‘pag nagsa-shopping ako, hindi naman ako nakaayos.
“So, madi-discriminate ka talaga kung mukha kang… in my case, mukha kang basura, na mukha kang ‘cannot afford.’ Meron talagang ganu’n.
“Kasi, tinatamad akong mag-ayos. Parang feeling ko kasi, magsa-shopping lang ako, eh. So, alam mo ‘yun, I just wanna be myself, I wanna be in jeans, ganyan.
“When that happened, first of all, it was a long time ago, I was still single, wala pa akong obligasyon, I can splurge because wala naman akong… Ako lang mag-isa nu’n, parang okay na ‘yung family ko, and I wanted to treat myself, and saka, pinag-ipunan ko ‘yun. I worked really hard du’n sa tour na ‘yun, so I could treat myself,” mahabang paliwanag ni Songbird.
Besides, kailangan din naman daw niya ang magagandang shoes sa trabaho at hindi naman ‘yung tipong pang-display lang. And that time ay matagal din daw siyang hindi bumili ng sapatos kaya need niya talagang bumili.
Hindi raw ‘yun ang first time na na-discriminate siya at ‘yung ibang experience niya ay mas malala pa raw. Mayroon pa raw nangyari na tiningnan siya mula ulo hanggang paa at sinabi sa kanya nang diretsahan, “I don’t think you can afford it.”
Pero sa ibang bansa lang naman daw niya nararanasan ‘yun at dito sa ‘Pinas ay never naman. Of course, haller, Regine Velasquez siya at walang hindi nakakakilala sa kanya rito.
Pero aniya, she doesn’t mind at all at hindi raw siya gagawa ng eksena’t hindi rin daw niya ire-report ang sales employee at sa halip ay maghahanap na lang daw siya ng ibang staff na mag-a-assist sa kanya.
Anyway, ang Iconic sa Araneta Coliseum ay maiko-consider na once-in-a-lifetime concert dahil imagine nga namang pagsamahin ang Megastar at Asia’s Songbird. No wonder, sold-out na ang tickets sa first night.





Comments