Resbak sa nang-ismol na tiningnan siya mula ulo hanggang paa… Regine, ipinagsigawang gagamitin ang p
- Nitz Miralles
- Oct 12, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / Bida

Ibinalita kay Regine Velasquez ng isa niyang follower sa socmed na ‘yung vlog niya kung saan naikuwento ang naranasang discrimination habang nagsa-shopping sa Amerika ay may 1M views na.
Ang discrimination na tinutukoy ay 'yung naranasan ni Regine noon sa Louis Vuitton store sa Amerika. Naikuwento rin niya na aside from LV, may isa ring store na tiningnan siya ng sales employee from head to toe at sinabihan siyang... “I don’t think you can afford it.”
Ani Regine, “I will not make a scene, I will not report it to the management. What I will do is to look for another person to assist me at ang ganti ko, marami akong bibilhin.
"Pero ngayon, wala nang masyadong discrimination at ‘pag Asian ang pumasok, nagkakagulo na sila dahil alam nilang may pera ang Asians.”
Samantala, nakapag-rehearse na sina Regine at Sharon Cuneta ng Iconic concert nila at may two rehearsals pa, pero in-assure ni Regine na mag-i-enjoy ang audience sa concert. Maganda ang repertoire nila at ang medley nilang dalawa na inareglo ng musical director na si Louie Ocampo.
Nagpa-sample sina Regine at Sharon ng kanilang duet ng Sana’y Wala Nang Wakas na pinalakpakan ng media at looking forward kami sa more duets nila at solo number.
Si Rowell Santiago ang director ng Iconic.





Comments