Naghahabol na makasakay.. Lalaki nagulungan ng bus
- BRT
- Oct 12, 2019
- 1 min read

Sugatan ang isang lalaki makaraang magulungan ng bus sa Guadalupe, Makati City, kahapon.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Spokesperson Celine Pialago, hinahabol ng lalaki ang bus sa pagnanais na makasakay agad.
Gayunman, tuluy-tuloy lang ang bus kaya nagulungan ang biktima. Sa larawan na ipinadala ni Pialago, kitang duguan ang lalaki habang ang kalahati ng katawan ay napailalim sa bus. Tumakas naman ang tsuper ng nasabing sasakyan.





Comments