Horoscope | Oktubre 12, 2019 (Sabado)

Sa may Kaarawan ngayong Oktubre 12, 2019 (Sabado): Malakas ka kaya madalas mong nakabubunggo ang kapwa mo malakas. Huwag kang mag-alala dahil ang buhay mo ay mapupuno ng mga tagumpay.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muli, huwag mong sayangin ang panahon mo sa mga taong walang ginawa kundi ang kontrahin ka. Kapag pinansin mo sila, para mo ring sinabi na ikaw ay kanilang naisahan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-17-20-23-31-32.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huminto ka saka ka sumunod. Sa paghinto mo, hanapin mo ang maliit na bintana ng oportunidad na iyong lulusutan. Hindi ka mabibigo kahit maliliit ito. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-10-17-24-25-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Bilis ang kailangan mo. Kung susuriin mo ang nakaraan, maiiwanan mo nang milya-milya ang iyong mga kakumpitensiya dahil sa bilis mong magpasya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-19-20-25-33-37.
CANCER (June 21-July 22) - Sarili mo ang kalaban mo kaya puwedeng-puwede kang manalo dahil kapag alam mo ang kahinaan ng iyong kalaban, madali mo siyang matatalo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-15-17-20-23-35.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kumapit ka sa langit dahil wala kang ibang dapat kapitan. Kung babalikan mo ang iyong nakaraan, palagi kang pinakikinggan ng nasa itaas. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-16-21-23-39-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Lumaban ka. Sa biglang tingin lang malakas ang iyong mga karibal dahil ang totoo, alam nilang sila ay mahina kapag ikaw ang makakalaban nila. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-22-23-37-40-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Lumayo ka sa iyong lihim na kinaiinisan dahil sisirain niya ang iyong diskarte. Tandaan mo, na rito sa mundo, ang maiinis ay talo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayong araw na ito. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-19-25-27-35-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pahinga ang kailangan mo sa isip at katawan. Mamasyal ka at mapapahinga ang isip mo. Bawasan mo rin ang bilang ng oras ng pagtatrabaho nang sa gayun ay makapagpahinga kahit kaunti ang katawan mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-10-12-28-30-39.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kumilos ka na parang nakuha mo na ang mga gusto mo. Ang pormulang ito ng tagumpay ay napatunayan na ng marami at kapag ginawa mo ito, madaragdag ka sa kanilang bilang. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-14-15-27-36-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kahit masama ang loob mo, tulungan mo ang nagpapatulong sa iyo. Sa ganitong paraan, hahanga sa iyo ang langit at pagkakalooban ka Niya ng maraming magagandang bagay. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-13-14-27-30-32-36.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Dahil sa iyo, aasenso ang mga matagal nang hindi umuusad ang kapalaran. Dahil sa iyo, ang dating malungkot ay sasaya. Ito ang papel na gagampanan mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-16-18-22-24-45.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Makipagsapalaran ka dahil kapag nakasingit ka ng panalo, magsusunud-sunod ang mga suwerte mo na parang ang magagandang kapalaran ay sa iyo lang inilaan ng langit. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-11-17-35-37-40.




Comments