Habang naniningil ng 5-6.. Bumbay niratrat, todas
- Jeff Tumbado
- Oct 12, 2019
- 1 min read

Pinagbabaril ng hindi pa kilalang lalaki ang isang Indian national habang naniningil ng kanyang mga pautang sa Lapu-Lapu City, kahapon ng umaga.
Kinilala ang nasawi na si Gagan Deo Singh, 29, residente ng Bgy. Banac.
Batay sa imbestigasyon, sakay si Singh sa kanyang motorsiklo nang sabayan ng lalaki saka siya pinagbabaril sa Sitio Iba kung saan ito naniningil ng 5-6.
Walang ibang impormasyon ang pulisya kaugnay sa pagkakakilanlan ng suspek na napag-alamang nangungupahan lamang.
Isa sa mga tinitingnang motibo sa krimen ay ang panghoholdap habang patuloy pa ang pag-iimbestiga ng mga awtoridad.




Comments