WTA at super six

Hahataw ang carryover sa Winner Take All (WTA) at Super Six kasabay ng pag-alagwa ng Additional One Win in Group Races sa Santa Ana Park, sa Naic, Cavite ngayong gabi.
Nakataya ang P695.662.51 sa WTA at P6,232.86 sa Super Six na tiyak na siyang inaabangan ng Bayang Karerista ng 6:40 p.m. Sa Race 1, magsisimula ang WTA at Super Six na pinapaboran ang mga kalahok na Mood Swing at Storm Bell habang ang Trifecta, Quartet, Pentafecta at Super Six ang mga kalahok na couple entry ay Boni Avenue at Hidden Light, Exhilarated, Sweet Dreams, Runawayfromrosenot, Stravinsky.
Sa Race 2, ipinapatok ang Johnny Be Good, habang ang Zapima ay isama sa Forecast, Trifecta at ang Jacobo’s Magic at Standout sa Quartet. Nakalalamang ang Ten Ten Forty habang magsisilbing kalaban ang Minalim at Pearlescence isama ang Spin Move at Primero de Marso at Seni Seviyorum sa mga paratingan sa Trifecta, Quartet at Pentafecta kasabay ng Pick 5 sa Race 3.
Sa Race 4, nakalalamang si Ace Up, Tidal Wave, Hardliner at Smiling Lady na panimula ng Pick 4 event. Maglalaban para sa unang puwesto ang Grand Princess, Fabulous at Coastal Road sa Race 5. Nakalalamang ang Dedication sa pag-alagwa ng Condition Race (19) habang magsisilbing katunggali ang Batang Arrastre sa Race 6.
Sa Race 7, nakalalamang ang couple entry na Rocking Hill at Pilya habang makakalaban ang Empiradour,Hula Discovery at Wild Find na magiging paratingan sa WTA Pick 6,5 at Pick 4.





Comments