top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Tsansa sa semis habol ng Motolite sa PVL

Gerard Arce
Oct 11, 2019
1 min read

Sumandal ang Motolite sa puwersa nina Tots Carlos, Bernadette Flora at playmaking skills ni Fem Emnas upang putulin nito ang two-game losing skid laban at tapusin rin ang 9-game run ng PetroGazz Angels, 22-25, 25-13, 25-16, 16-25, 15-11 para mas paigtingin pa ang tsansa nito sa semifinals sa Premier Volleyball League Open Conference sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Tumikada sina Carlos at Flora ng dalawang importanteng banat sa deciding game at daigin ang 5-7 lead ng Motolite at 10 sa huling 14 points nito para iselyo ang panalo upang masolo ang 4th kasunod ang BanKo-Perlas.

Sinamantala ng Motolite ang sunod-sunod na pagkakamali ng Angels sa huling mga sandal ng 5th set, kabilang ang dalawang sunod na puntos na nagbigay ng 10-7 kalamangan sa kanila.

Gayunman, nanatili pa ring nasa second spot ang Petrogazz na may 9-3 kartada kasunod ng wala pa ring talong Creamline Cool Smashers sa 12-0.

Nagawa ring maipaghiganti ng Motolite ang pagkatalo nito sa Reinforced Conference champion sa first round noong Set. 8, habang inunsiyami nito ang Angels na makakuha na ng silya sa semis.

Sa sumunod na laro, mas pinatatag ng BanKo-Perlas ang final 4 chance nito nang talunin ang Choco Mucho 25-20, 25-19, 26-24, upang manatili nito ang 3rd place 9-5 marka, habang dumelikado ang tsansa ng Choco Mucho sa semis sa 6-8 kartada.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page