SEAG gold ang target ni Obiena sa pole vault

Puntirya ni 2020 Tokyo Olympics-bound at Pole Vaulter Ernest Obiena ang mapagwagian ang gintong medalya sa kanyang event sa 30th edition ng Southeast Asian Games na magbubukas simula Nob. 30-Dis. 11.
Malaki ang tsansa ng 23-anyos na dating Engineering student na mapagwagian ang paboritong event sa biennial meet dahil aminado ito na sa tuwing sumasabak sa anumang kompetisyon ang tanging layunin niya ay ang manalo. “Every time I play in competition; my goal is to win,” wika ng dating University of Santo Tomas student-athlete sa lingguhang PSA Forum.
“What I can guarantee is that is I’ll do what I can, I’ll do my best to prepare for SEA Games, I’ll do my best to bring the gold, we are fighting in our land, and it’s a shame if I lose,” dagdag nito.
Paboritong magwawagi ang 6-foot-2 na si Obiena sa biennial meet dahil sa layo ng natamo nitong marka sa world rankings na 5.81 mark, samantalang ang kasalukuyang SEAG record ni Porranot Purahong ng Thailand ay 5.35m lamang noong 2017 Kuala Lumpur Games.
“I may have the slight edge but it’s a competition. Anything can happen. Hopefully I can be the one standing on top of the podium holding the Philippine flag,” pahayag ni Obiena na kasama ang kanyang mga magulang na sina Coach Emerson at Jeanette.
Hindi minamaliit ni Obiena ang kanyang mga katunggali, bagkus ay pinaghahandaan niyang mabuti ang SEAG, tulad ng preparasyon niya sa Tokyo Olympics na gaganapin simula Hulyo 25 hanggang Agosto 9, 2020 sa Tokyo, Japan.





Comments