top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Rider na naghatid ng bebot, dinedbol

  • Pabs Hernandez III
  • Oct 11, 2019
  • 1 min read

Cotabato City—Isang 20-anyos na rider ang namatay nang barilin ng dalawang hindi kilalang armadong salarin kamakalawa sa Bgy. Poblacion 4.

Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng dalawang tama ng bala sa katawan na si Niursaud Tipas, residente ng Bgy. Sandakan, Sultan Mastura, Maguindanao.

Batay sa imbestigasyon, inihatid ni Tipas ang kaibigan niyang dalaga sa nasabing barangay at pababa na ito ng motorsiklo nang sumulpot ang dalawang suspek at agad pinagbabaril ang biktima at pagkaraan ay mabilis na tumakas ang mga salarin.

Dinala pa ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival.

Inaalam na ngayon ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pagpatay sa biktima.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page