top of page
LET’S SEE - MIKA AT WILL, BUKING NA LUMIPAD PA-HK_Reddit.png

Raga, kampeon sa Sargo sa Cebu City 10-ball cup open

  • Eddie M. Paez, Jr.
  • Oct 11, 2019
  • 2 min read

Itinanghal na kampeon si Anton Raga kontra sa isang star-studded field kabilang na ang mga pambato ng bansa sa nalalapit na SEA Games upang patunayang isa na rin siyang lehitimong bituin ng Philippine billiards nang magsara ang unang edisyon ng Sargo sa Cebu City 10-Ball Cup Open Tournament sa isang mall sa Cebu.

Hindi naging balakid kay Raga, 2019 China Open Podiumer at World Fargo Ranking no. 8, ang pagsali sa torneo ng mga batikang manunumbok na sina World Pool Billiards Association (WPA) no. 4 Carlo “Black Tiger” Biado, 2019 U.S. Open One Pocket king Warren “The Warrior” Kiamco, ang katuwang ni BiAdo bilang 2019 World Cup of Pool podiumer na si Jeffrey “The Bull” De Luna, dating World Straightpool titlist Lee Van Corteza at 2017 World 9-Ball runner-up Roland Garcia, kaya sumargo ito ng pitong mga panalo sa ganunding dami ng laro para makaakyat sa trono.

Kasama sa mga hinugutan ng Cebuanong si Raga ng mga panalo sina Allan Cortez (9-1), John Albert Rafulle (9-8), Puting Ramber (11-9), Michael Baoanan (11-6), Kiamco (11-4), Sean Mark Malayan (11-4) at si Michael Feliciano (13-8) noong finals face-off.

Ang matingkad na performance ay may katumbas na isang tropeo at cash prize na P300,000.

Hindi nauwi sa wala ang naipakitang tikas ni Feliciano (7 panalo at 1 talo) dahil nakapagbulsa ng halagang P200,000 sa pagiging segunda sa paligsahang isinaayos nina Senator Manny Pacquiao at Cebu City Mayor.

Nagsalo sa huling upuan sa podium sina Malayan (limang panalo at dalawang talo) at si Demosthenes Pulpul (anim na panalo at dalawang talo).

Ang mga paborito ay nagsalo na lang sa panglimang puwesto.

Ito’y sina De Luna, Kiamco at Garcia samantalang sina Biado at Corteza ay nasa pangsiyam na baytang lang ng tunggaliang nagsilbing isang fund-raising event din ng MP Foundation.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page