PNU, binulabog ng bomb threat
- Mylene Alfonso
- Oct 11, 2019
- 1 min read

Binulabog ng bomb threat ang Philippine Normal University (PNU) kahapon ng umaga sa Taft Avenue, Manila.
Bandang alas-9:00 ng umaga nang iulat kay Dr. Bert Tuga, Vice-President for admin ng PNU ang bomb threat.
Agad rumesponde ang Manila Police District-Explosive and Ordinance Division para inspeksiyunin ang paligid ng PNU.
Nabatid na ang faculty member na si Dr. Rafael Panganiban, ang nakatanggap ng text na may nakatanim na bomba at sasabog anumang oras.
Hindi naman sinuspinde ang klase at pinaalalahanan lamang ang mga estudyante na kumalma.
Bandang alas-11:00 ng umaga nang ideklara ng EOD na negatibo sa pampasabog ang unibersidad.





Comments