Nag-inuman, tinablan.. 18-anyos na bebot ni-rape ng bading

Kalaboso ang isang 39-anyos na bading makaraan itong ireklamo ng panggagahasa sa isang 18 years old na dalaga sa Bacolor, Pampanga.
Kinilala ang suspek na si Michal Torres, Jr. alyas Mitch, habang biktima naman ang kanyang aplikante na itinago sa pangalang ‘Kylie’.
Ayon kay Police Lt. Col. Louie Gonzaga, Miyerkules ng gabi nang yayain umano ng suspek ang biktima na mag-inuman sa loob ng pag-aaring beauty parlor sa Bgy. Dolores.
At dahil umano sa hindi sanay uminom ng alak ang dalaga ay mabilis itong nalasing at doon na siya hinalay ni Torres.
Sa pahayag naman ng biktima sa pulisya, sumisigaw umano siya habang pinagsasamantalahan ni Torres subalit, tinatakpan nito ang kanyang bibig.
Ayon naman kay Gonzaga, na batay na rin sa lumabas na pagsusuri ng medico legal ay nagkaroon ng laceration ang maselang parte ng katawan ng biktima na posibleng ginahasa ito.
Pero, depensa naman ng suspek, wala umanong rape na nangyari dahil pareho nilang gusto ang nangyari.
Giit pa ni Torres na hindi umano sila talo ng biktima at nagkataon lamang na nagkagustuhan silang dalawa at tinablan siya noong gabing ‘yun.





Comments