Misis na maraming utang, tinodas
- Levi Gonzales
- Oct 11, 2019
- 1 min read

Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga hindi pa nakikilalang lalaki ang isang misis sa Bgy. Lumingon, Tiaong, Quezon.
Ayon sa report, alas-2:20 ng hapon, nakaupo sa kanilang balkonahe ang biktimang si Rowena Manalo, 52, kasama ang consultant ng isang credit corporation.
Ilang saglit ang lumipas nang biglang lapitan ng hindi nakikilalang suspek saka pinagbabaril bago ito tumakas.
Dead-on-the-spot ang biktima dahil sa mga tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.
Napag-alaman na ang biktima ay marami umanong pinagkakautangan sa iba’t ibang lending companies.





Comments