Mga Kano, utak sa pagpapabagsak kay P-Digong
“Hindi tayo tuta ng Amerika”. Isa ito sa mga nais iparating ng biyahe ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Russia nitong nakaraang linggo, gayundin ang dalawang beses na pagbisita nito sa China.
Pero, lilinawin lang natin, hindi rin tayo tuta ng alinman sa dalawang bansa.
Malayang bansa ang Pilipinas at ang relasyon natin sa nasabing mga bansa ay independiente kaya hindi tayo magiging tuta ng anumang bansa kahit sabihing may malaking papel ang Amerika sa ating kasaysayan.
Importante ang ginagawa ni P-Digong dahil mula nang sakupin tayo ng mga Amerikano kung saan malapit nang manalo ang ating rebolusyon laban sa mga Kastila, utus-utusan lang tayo ng mga ito kaya noong cold war kung saan magkaalyansa ang Russia at China laban sa U.S., kaaway din natin sila.
At noong sakupin ng Amerika ang Vietnam (Vietnam War), nagpadala tayo ng mga sundalo para tumulong daw sa mga Kano.
Samantala, 30 taon matapos ang EDSA Revolution na nagpabagsak sa rehimeng Marcos, may datos na malaki umano ang kinalaman ng mga Kano.
Nabahala sila na kapag nagpatuloy ito, malamang, hindi na pahahabain pa ang pangungupahan ng mga Amerikano sa napakalaking bahagi ng Clark at Subic na malaking base ng kanilang militar.
Matatapos na ang ‘pangungupahan’ ng mga ito at kinakailangang pumayag ang Pilipinas na pahabain pa ang kanilang pananatili, pero ang nangyari, bumoto ang mga senador na tapusin na ito.
Samantala, noong nakaraang administrasyon, nagkaroon ng alitan sa pagitan ng ating bansa at China, ito ay dahil kailangan ng mga Amerikano na pasamain ang imahe ng China at magkaroon ng ‘International Ruling’ na nagsasabing ang South China Sea o West Philippine Sea ay international water.
Pakana rin ng mga Kano ang walang humpay na pambabatikos at pamumuna ng mga media, partikular ang online news website dahil sila ang sponsor o nagbibigay ng pondo sa mga ito para siraan, palakihin at masamain ang mga ginagawa ng kasalukuyang administrasyon tulad ng ‘war on drugs’ kung saan ipinakakalat nilang napakasamang lider ni P-Duterte para mag-utos na patayin ang sinumang nasasangkot sa ilegal na droga kahit ang totoo ay nanlaban naman talaga.
Hangad nilang lubos na magalit ang taumbayan sa pangulo upang madali na lamang ang pagbagsak nito.
At alam nating kapag nangyari ang pinapangarap nilang pagbagsak ng kasalukuyang administrasyon, dilawan ang papalit.
Dilawan na siguradong madaling mauuto o mapapapayag na magpaalipin sa Estados Unidos kahit hindi ito maganda sa kapakanan ng ating bansa.





Comments