Kaya pinaasa lang, 'di na binalikan… Carlo, umaming 'di na kayang maging GF uli si Angelica
- Vinia Vivar
- Oct 11, 2019
- 1 min read

Sa interview ni Boy Abunda kay Carlo Aquino na inere sa Tonight with Boy Abunda, diretsahang tinanong ng TV host ang aktor kung pinaasa lang ba niya si Angelica Panganiban.
“Siguro po,” ang diretso ring sagot ni Carlo.
Follow-up na tanong ni Kuya Boy, “What went wrong?”
Sagot ni Carlo, “Hindi ko lang siguro kaya, Tito Boy na. . . oo, mahal ko siya, pero parang mas gusto ko nang mas friends kami. Natatakot lang kasi talaga akong masaktan siya ulit.”
Inamin din ni Carlo sa naturang panayam na girlfriend niya si Trina Candaza.
“Kasi na-meet ko si Betrina bago nag-start ‘yung movie, tapos biglang hindi kami nagkita nang ilang buwan. Tapos, after nu’ng movie, nag-reconnect kami,” paliwanag ni Carlo.
Na-address din sa interview ang tungkol sa naging pahayag ni Angelica na hindi na nag-e-exist sa buhay niya si Carlo. Tinanong ni Kuya Boy ang aktor kung sa tingin ba niya ay fair lang na sabihin ito ni Angge at “Opo” rin ang sagot ng leading man ni Maine Mendoza sa Isa Pa with Feelings.
“Kung nasaktan ko siya, ganu’n, karapatan niya ‘yun. Karapatan niyang pagdaanan, karapatan niyang maramdaman ‘yun. At hindi ko dapat pigilan ‘yun. Kaya nu’ng sinabi niya ‘yun, tapos, nakarating sa akin, sabi ko, ‘Okay lang naman,’” ani Carlo.





Comments