top of page
Kris Aquino C.H.I.K.A. - NETFLIX

Horoscope | Oktubre 11, 2019 (Biyernes)

  • Maestro Honorio Ong
  • Oct 11, 2019
  • 2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may Kaarawan ngayong Oktubre 11, 2019 (Biyernes): Dama mo na kabilang ka sa ma­papalad na nilalang pero, kailangan mo pa ring mag­sikap dahil ang tunay na ligaya ay nakukuha sa pag­sisikap.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Dumikit ka sa masayahin at gaganda ang takbo ng buhay mo. Kapag nadikit ka sa mga pala­da­ing, sa huli ay daing ka rin nang daing. Ito ang men­sahe ng iyong kapa­laran ngayon. Masuwerteng ku­lay-green. Tips sa lotto-7-10-13-29-30-32.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kumukuha ng malakas na bu­welo ang mga suwerte mo para masor­presa ang mga taong wa­lang ginawa kundi ang ku­montra sa iyo. Ito ang men­sahe ng iyong kapalaran. Ma­suwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-11-17-24-27-33.

GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang magtiwala sa kahit kanino. Ang tao sa mundo ay ma­dalas na nagdarayaan at naglalamangan. Ilihim mo ang diskarte mo nang hin­di ka maunahan sa pakina­bang. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-18-20-27-31-36.

CANCER (June 21-July 22) - Nakamasid sa iyo ang mga mata ng langit. Ang gumawa sa iyo ng mali ay aani ng kahihiyan at ang mga nagkasala sa iyo ay aani ng kapahamakan. Ito ang mensahe ng iyong ka­pa­laran. Masuwerteng ku­lay-pink. Tips sa lotto-15-17-21-24-25-42.

LEO (July 23-Aug. 22) - Hu­wag kang hu­mingi ng tulong sa kapwa mo dahil mas maganda kung sa langit ka lalapit. Kapag ginawa mo ito, tataas ang antas ng iyong pananalig. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-11-14-17-21-23.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Gamitin mo ang kakaya­han mong magtuos hindi sa mga naitulong mo sa kapwa mo kundi sa kung paano mo mapalalago ang iyong pinagkakakitaan. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­suwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-12-25-28-30-34.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Sinupin mo ang mga suwerteng nakuha mo nang mabilisan, sinupin mo rin ang magagandang bagay na iyong pinaghirapan. Ang tunay na susi ng tagum­pay ay ang pagiging masinop. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-11-15-18-20-25.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Paisa-isa ang pagda­ting ng mga yaman mo. At kahit ito ay ma­ba­gal, ang yaman ay ma­gi­ging kasintaas ng bundok. Samantala, sa mga nag­ma­­madali, mabilis silang yaya­man pero, walang katata­gan ang mga ito. Masuwer­teng kulay-violet. Tips sa lotto-7-16-22-29-36-44.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong paghan­da­an nang todo ang masasayang okasyon na darating. Higit mong paghandaan ang iyong kina­bukasan. Ito ang mensa­he ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-13-15-29-38-41.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Pasaya­hin mo ang alam mong kina­ka­pos. Punuin mo ang iyong buhay ng mga biyaya at pag­papala. Huwag ka nang mag-alinlangan at muli, gawin mo ito ngayon. Ma­suwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-16-22-25-30-45.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kahit saan ka magpunta, nakasunod sa iyo ang suwerte. Hinin­tay lang nito na mawala sa iyo ang mga negatibong pana­naw. Kapag nakitang posi­ti­bo ka, tiyak na susuwer­te­hin ka. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-19-21-24-28-38-46.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Manghiram ka at isauli mo agad. Ang naka­tutuwang pormulang ito ay magbibigay sa iyo ng napakaraming magagan­dang bagay. Gawin mo ito at tiyak na magugulat ka sa resulta. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-13-14-20-27-34-43.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page