Edad 7-9, lalaki o babae inabuso.. Manyak na trike driver, kulong
- Jeff Tumbado
- Oct 11, 2019
- 1 min read

Natimbog ng mga awtoridad ang isang tricycle driver matapos ireklamo ng pangmomolestiya sa ilang menor-de-edad sa Bgy. Bulacao, Cebu City.
Sa detention facility na ng Cebu City Police Office (CCPO) idiniretso ang 49-anyos na suspek na si Falcondo Tabura, naninirahan sa Bgy. Pardo.
Batay sa ulat, unang naghain ng reklamo ang kaanak ng apat na kabataang babae na nasa edad 7 hanggang 9 na naging biktima umano ng pangmomolestiya ni Tabura.
Inaalok umano ni Tabura ng pera para sumakay sa kanyang tricycle ang mga biktima saka dadalhin sa isang lugar kung saan ginagawan sila ng kahalayan.
Bukod sa mga kabataang babae, ilang mga batang lalaki ang nabiktima rin umano ng pangmomolestiya ng suspek.
Itinanggi naman ni Tabura ang paratang laban sa kanya at sinabing sinusundo lamang niya sa paaralan ang mga bata.





Comments