'Di nagpatalbog kina Daniel at Kathryn na nag-Iceland… Karla, todo-enjoy sa Coron kasama ang bag
Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

Photo: Karla Estrada FB
Masaya at super nag-enjoy ang aktor na si Daniel Padilla with his GF Kathryn Bernardo sa Iceland. Kitang-kita naman sa sweet photos nila na maligaya sila sa piling ng isa’t isa. Pero, hindi lang pala si Daniel ang nag-enjoy.
Ipinost ng mommy ni Daniel na si Karla Estrada sa Instagram noong Martes na nag-short break pala siya sa hosting ng Magandang Buhay at pansamantalang in-enjoy ang ganda ng Coron, Palawan. Pero ang nakakaintriga lang ay kasama niya ang rumored BF niya!
Naku, ano kaya’ng sey ni DJ dito? Momshie Karla, may ‘basbas’ ba ‘yan ni DJ?
Nagsimulang umingay ang isyu na umano’y may non-showbiz BF si Karla nu’ng Agosto dahil spotted ang dalawa sa isang resto bar, though hindi nila ito inamin sa publiko, at ani Karla ay kasama nila that time si Sunshine Cruz at BF nitong si Macky Mathay, pati ang basketball player na si James Yap.
Matatandaang tuwing napag-uusapan, sinasabi ni Karla na happy siya sa love life niya at palagi niyang sinasabing strict si Daniel. Kaya naman, bumuhos ang komento ng mga netizens lalo na ang mga fans at co-stars ng host ng Magandang Buhay, dahil halatang masayang-masaya siya sa piling ng rumored BF.
Ipinost ni Karla ang photo na katabi niya ang rumored BF sa beach (silang dalawa lang ang nasa photo) at may caption na “God’s amazing creation.. (heart and praying emojis) #enchantingcoron #bananaisland #happylife (heart emoji).”
Hindi man ini-reveal ni Karla ang pangalan ng non-showbiz guy, ang mahalaga ay nagiging transparent na siya sa publiko about her love life.





Comments