top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Ayon sa utos ng Diyos... Lahat ng Hayop na gumagalaw sa Lupa at Tubig, bawal kainin

Sr. Socrates Magnus II
Oct 11, 2019
2 min read

Bigyang-daan natin ang pagpapatuloy sa email ni Joy ng Joyjoy_De_Silva@facebook.com

Sa iyo Joy, Kumpletuhin na natin ang Kautusan ni God tungkol sa mga hayop na dapat at hindi dapat kainin ng tao. Maaaring sabihin ng iba na nakakain ang mga ipinagbawal sa kautusan at masarap kainin ang mga ito.

Maaaring banggitin din ang nabasa sa Bagong Tipan na “makakain ang anumang pumasok sa bibig.” Simple lang ang magiging kasagutan na hindi dahil makakain ay puwede nang kainin. Makakain natin ang papel, lapis at iba pang mga bagay pero ang tanong, ang mga ito ba ay nararapat?

Kaya ang “makakain ang anumang pumasok sa bibig” ay katotohanan pero, hindi ito nagsasabing ang lahat ng puwedeng ilagay sa bibig ay karapat-dapat kainin dahil kapag ginawa natin, siguradong masama ang ating aanihin.

Puwede tayong makipagrelasyon sa marami pero, ito ba ay nararapat? Puwede rin tayong magsinungaling, pero hindi ito karapat-dapat. Puwede tayong gumawa ng masama, pero hindi dapat.

Si God ang may gawa sa tao kaya Siya lang ang nakaaalam kung ano ang mabuti at makasasama kaya mabuting sundin natin Siya upang makaiwas tayo sa maraming sakit at karamdaman na nakukuha sa pagkain ng mga bawal kainin.

Narito pa ang karagdagang kautusan tungkol sa pagkain:

“At bawat umuusad na nagsisiusad sa ibabaw ng lupa ay karumal-dumal; hindi kakainin. Lahat ng lumalakad ng kanyang tiyan at lahat ng lumalakad ng apat na paa o mayroong maraming paa, sa lahat ng bagay na umuusad sa ibabaw ng lupa ay huwag ninyong kakainin; sapagka’t mga karumal-dumal nga sa inyo.

Huwag kayong magpakarumal-dumal sa anumang umuusad o huwag kayong magpakalinis man sa mga iyan na anupa’t huwag kayong mangahawa riyan, sapagkat Ako ang Panginoon ninyong Diyos: magpakabanal nga kayo at kayo’y maging mga banal; sapagkat Ako’y banal: ni huwag kayong magpakahawa sa anumang umuusad na gumagalaw sa ibabaw ng lupa. Sapagkat Ako ang Panginoon na nagsampa sa inyo mula sa lupain ng Ehipto, upang Ako’y inyong maging Dios: kayo nga’y magpakabanal, sapagkat Ako’y banal.

Ito ang kautusan tungkol sa hayop ibon at sa lahat ng may buhay na gumagalaw sa tubig at sa lahat ng nilikha na umuusad sa ibabaw ng lupa; Upang lagyan ninyo ng pagkakaiba ang karumal-dumal at ang malinis at ang may buhay na makakain at ang may buhay na hindi makakain.”

Good luck and God bless!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page