top of page
Pokwang.jpg

10 arestado sa droga

Maeng Santos
Oct 11, 2019
1 min read

Huli ang 10 hinihinalang sangkot sa ilegal na droga sa magkakahiwalay na operasyon sa Caloocan City.

Ayon kay Chief P/Col. Noel Flores, alas-3:40 ng madaling-araw nang masakote ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna nina P/Capt. Deo Cabildo at P/Maj. Rengie Deimos ng PCP-4 sa buy-bust sa Bgy. 188, Tala, sina Cristopher Arcilla, 41; Arnold Obispo, 25, at Danilo Janohan, Jr., 30. Nakumpiska sa mga suspek ang P200 buy-bust money at apat na sachets ng shabu.

Alas-6:20 naman ng umaga nang madamba ng SSOU sa pangunguna ni P/Capt. John David Chua sa Bagong Silang, Bgy. 176 sina Vladimir Arcle, 22; Jerome Lavita, 29, at Renren delos Reyes, 27, kung saan nakuha sa mga ito ang tatlong sachets ng shabu.

Nadamba naman ng SDEU, alas-7:40 ng umaga sa 8th Ave., Bgy. 59, sina Benito Coloma, 38, at Joseph Nicolas, 29, dalawa pang sachets ng shabu ang nakumpiska sa mga suspek at P200 buy-bust money.

Sa Bgy. 35, Maypajo, timbog din sina Raymond Jacaine, 35, at John Paul Gelberto, 44, matapos bentahan ng sachet ng shabu kapalit ng P200 marked money ang isang miyembro ng SDEU na nagpanggap na buyer. Narekober sa mga suspek ang buy-bust money at dalawang sachets ng shabu.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page