Opisyal ng customs, buhay-reyna dahil P.5 M kada linggo ang tongpats sa mga imported na sasakyan
Jeff Tumbado / Pasaway Spotted
Spotted sa pagiging pasaway ang isang kotong, este, collector ng Bureau of Customs (BOC) na nakaistasyon sa pagitan ng Bataan at Zambales dahil hayahay muli ang “tara” na naibubulsa nito at ng kanyang mga alipores.
Si ‘Ate Opisyal’ ay literal na sitting pretty sa kanyang tanggapan na todo-mamahalin ang personal na gamit na bigay daw sa kanya ng mga brokers at pawang mga bagong cuticle ang mga kuko sa mga kamay at paa nito.
Wow, I can’t imagine na daig mo pa ang reyna sa luhong bumabaha mula sa under the table system mo niyan! He-he-he!
Pero kung hanggang langit na ang ngiti ni ‘Ate Opisyal’ dahil sa bultu-bultong perang cash na naipararating sa kanila tuwing Biyernes, doble ang ngiti ng kanyang right-hand woman o ang tinatawag na “bag woman” na si “Hannah”. Tsk-tsk-tsk!
Si ‘Ate Opisyal’ at kanyang bag woman ay nakapag-uuwi ng nasa P.5 milyon kada linggo na nagmumula sa mga “tara” na naipamamahagi ng mga brokers na may kinalaman sa importasyon ng segunda-manong sasakyan at iba pang heavy duty na kagamitan mula sa Germany, South Korea, U.S.A at Japan.
Isang kopya ng papeles na tinatawag din na ‘unofficial documents’ ang ipinakita na may 30 locators na nakabase ang nakahilera araw-araw sa tanggapan ni ‘Ate Opisyal’ para sa koleksiyon kasabay ang pagpoproseso ng kani-kanilang dokumento sa pag-import ng mamahaling sasakyan.
“Kaya hindi makuha ng BOC ang kanilang tax collection target na mababa ang koleksiyon ng buwis dahil sobrang taas naman ng kanilang tarang hinihingi at nagsisialisan ang ilan sa mga kumpanya rito,” pahayag ng isang utaw na chismosa.
Eh, ‘yun na!
◘◘◘
Bago kami magpaalam, gusto naming batiin ng belated happy birthday sina Ways and Means Committee Chair Albay Representative Joey Sarte Salceda at Zambales 1st District Representative Jeffrey Domingo Khonghun at maging ang ilang magigiting na kasamahang reporters sa House of Representatives na nag-celebrate rin ng kanilang kaarawan na sina Leifbilly Begas, JC Cahinhinan, Edu Punay at Melvin Gascon.
Para sa sumbong, i-text o itawag lamang ito sa 09171361211/09982606938 o mag-email sa jefftombado.bulgar@gmail.com




