top of page
Pokwang.jpg

Nakulong sa kotse.. 10 yrs. old na-suffocate, patay

Jeff Tumbado
Oct 10, 2019
1 min read

Wala ng buhay nang matagpuan ang 10-anyos na lalaki sa loob ng kotse sa Balamban, Cebu, kamakalawa.

Sinasabing nasa mahigit kalahating araw na na-trap sa loob ng sasakyan ang biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon, nakitang nakadapa sa sahig ng kotse sa likuran ang biktima.

Suffocation o hindi nakahinga ang bata sa loob ng kotse na pag-aari ni Fire Officer 1 Orland Paul Romero.

Si Romero rin ang nakadiskubre sa bangkay ng bata matapos umanong manggaling siya sa trabaho at pauwi na.

Sa pagtaya ng pulisya, nasa 14 na oras na nakulong sa sasakyan ang bata.

Hindi man malinaw kung papaanong nakapasok at nakulong sa loob ng sasakyan ang biktima, tanggap na raw ng pamilya na aksidente ang nangyari at hindi na nila ipina-autopsy ang bangkay nito.

Bagaman, walang nakikitang foul play ang SOCO sa nangyari, magsasagawa pa rin ng imbestigasyon ang pulisya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page