top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

NAASCU semis: PMMS at St. Francis, nanggulat

  • A. Servinio
  • Oct 10, 2019
  • 2 min read

Pinasok ni Wendel Attas ang isang free throw matapos maubos na ang oras upang gulatin ng Phi­lippine Merchant Marine School ang defending champion Saint Clare College of Caloocan, 82-81, sa pagsisimula ng ser­yeng best of three sa Final Four o semifinals ng 19th National Athletic Asso­ciation of Schools, Colle­ges and Universities (NA­ASCU) sa Jesus Christ Saves Global Outreach Seed Dome sa 15th Avenue, Cubao.

Sa kabilang serye, bumida si John Edward So sa huling quarter upang itulak ang Saint Francis of Assisi College sa tagum­pay kontra Enderun Colle­ges, 65-62.

Nakakuha ng foul si Attas galing kay John Ed­cel Rojas sabay tunog ng huling busina at minintis ang una bago ipasok ang pangalawa.

Kinailangan pa huma­bol ng Mariners sa pagka­lugmok ng 16 puntos, 54-70, at agawin ang kalama­ngan salamat sa tatlong magkasunod na tres ni Ralph Briones at isa pa galing kay Bryan Hilario na may limang segundong nalalabi, 81-79.

Itinabla ni Joshua Fon­tanilla sa 81-81, subalit may 0.9 segundo pa at ito ay naging sapat para ma­ipanalo ni Attas ang PM­MS.

“Pakiramdam ko ang bigat ng bola noong una pero salamat at napasok ko ang pangalawa,” wika ni Attas Nagtapos na may 30 puntos si Hilario, 12 dito sa huling quarter.

Sinundan siya ni Jo­shua Templo na may 17 at Briones na may 12 ng kan­yang 15 sa huling quarter din.

Pinasok ni So ang tat­long mahalagang buslo upang itayo ang 61-55 na kalamangan ng Doves papasok sa huling 3:30.

Bumawi ang Titans at biglang naging isa ang agwat matapos ang dala­wang free throw ni Em­ma­nuel Maagdenberg at 12 segundong nalalabi, 62-63, subalit sinagot ng dala­wang free throw ni So para itakda ang huling talaan.

May namumuro nga­yong banggaan ng dala­wang paaralan sa Las Pinas City para sa kampeonato. Ang pangalawang laro ng mga serye ay gaganapin ngayong araw ng Huwe­bes sa JCSGO.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page