Makati, Bataan at Valenzuela, bumida sa Lakan Season Cup

Hindi napigilan ang tikas ng tatlong team sa Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Season noong Martes nang lupigin ng Makati Super Crunch, Bataan Risers at ng Valenzuela Classic ang kani-kanilang mga karibal sa Valenzuela Astrodome.
Pinalakas ng Super Crunch ang inside plays at fast breaks upang lunurin ang Pasig Sta. Lucia Realtors, 101-87 para iangat ang kanilang talaan sa 13-3 at malagay sa 3rd spot ng North Division sa likod ng San Juan Knights (15-2) at Manila Stars (13-2).
Sumakay ang Risers sa mainit na shooting nina John Bryon Villarias at Reed Juntilla para gapiin ang Bacolod Master’s Sardines, 84-65, habang ang Classic ay nagpakawala ng 31 puntos sa 4th quarter at talunin ang Muntinlupa Cagers, 97-83. Bumanat siVillarias ng 25 points, 6 triples, habang si Juntilla ay may 21, nang iangat ng Risers ang record sa 8-6. Ang Cagers, na may 14 points mula kay John Kervin Ortuoste at Biboy Eguio, ay sumadsad sa 4-14.
Namuno si Val Acuna sa atake na may 18 points habang sina Paolo Hubalde at Jaycee John Asuncion ay may 17 at 10 points, at iselyo ang seventh win na may 11 na pagkatalo, 87-56.
Hindi nakaporma ang Bacolod sa lakas ng Bataan, sumadsad sa 6-10.
Bumida sina Joshua Torralba sa Makati, 24 points plus 5 steals, si Jeckster Apinan ay may 18 points, 8 rebounds, 8 assists at si Cedric Ablaza ay may 12. Nagpaulan ang Super Crunch ng 54 puntos laban sa 22 ng Realtors at nakagawa ng 23 points sa fast breaks, may 5 puntos lamang para sa Realtors.
Kumamada si Leo Najorda ng 29 puntos, may 16 si Robbie Manlang, Josan Nimes ay may 14 at Jeric Teng, 12 para sa Realtors.
Sa Miyerkules, maglalaro ang MPBL sa Olivares College Gym sa Paranaque para sa tripleheader.
Lalaban ang Pampanga at Zamboanga ng 6 :30 p.m., kasunod ng Bacoor-Cebu tussle ng 8:30 p.m.





Comments