Listahan rerebyuhin.. Mga walang ‘K’ sa 4Ps, out!

Magsasanib-puwersa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of the Interior and Local Government (DILG) sa pagsala sa listahan ng mga beneficiaries sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Kaugnay nito, lumagda sa Memorandum of Understanding (MOU) ang DSWD at DILG para sa Listahanan (Listing) 3 na titiyak na ang mga makakasama sa programa ay mga kuwalipikadong beneficiaries lamang.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, isang magandang ‘tool’ ang Listahanan 3 ng DSWD para masiguro na ang serbisyo, resources at iba pang benepisyo sa ilalim ng 4Ps ay naibibigay sa tunay na mahirap na pamilyang Filipino.
Kasabay nito, binalaan ni Año ang mga lokal na pamahalaan na tutulong lang sila sa pag-facilitate ng paglilinis ng listahan.
Hindi aniya dapat maimpluwensiyahan ng mga ito ang gagawing proseso ng pagsala.
Sa ilalim ng MOU sa pagitan ng DILG at DSWD, tutulong ang LGU sa pagpili ng focal person na tutulong sa DSWD sa Listahanan assessment; tutulong sa mapping ng mga pamilya at pagsasagawa ng barangay assemblies kaugnay sa Listahanan.





Comments