top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Horoscope | Oktubre 10, 2019 (Huwebes)

Maestro Honorio Ong
Oct 10, 2019
2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may Kaarawan ngayong Oktubre 10, 2019 (Huwebes): Tiyak ang pagyaman mo kapag ito ang gusto mo pero, ang iba mong pangarap, walang katiyakan. Ito ang mensa­he ng iyong kapalaran.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong palagpasin ang araw na ito kung kailan papabor sa iyo ang kapalaran. Mapa­palapit ka sa katuparan ng iyong pinakamalaking ambisyon. Ito ang mensa­he para sa iyo. Masuwer­teng kulay-white. Tips sa lotto-19-20-24-30-34-45.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magplano ka at hindi ka ma­bibigo. Ang ta­ong walang plano sa bu­hay ay nakakukuha ng pa­nandaliang ligaya. Sa ma­buting pagpaplano, ang kabiguan ay hindi kailan­man makasisingit. Masu­wer­teng kulay-green. Tips sa lotto-7-12-14-27-34-36.

GEMINI (May 21-June 20) - Ituloy mo ang pagtutok sa iyong pang­ka­buhayan dahil dito ka su­suwertehin. Kapag sa ibang bagay napunta ang iyong isipan, hindi ka makiki­na­bang at ikaw ay maba­ba­wasan pa. Masuwer­teng kulay-yellow. Tips sa lot­to-8-10-13-30-35-38.

CANCER (June 21-July 22) - Hayaan mo ang mga kontrabida sa buhay mo. Kailangan mo rin sila dahil kung walang sasalungat sa mga kapritso mo, hindi mo makikilala nang lubusan ang iyong sa­rili. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-20-21-24-25-34.

LEO (July 23-Aug. 22) - Kung hindi mo gus­to ang nang­yari sa buhay mo, sa langit ka umapela. Ito ay para muling umikot ang Gulong ng Kapalaran nang sa gayun ay maitu­wid ang mga mali sa bu­hay mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-18-22-27-30-33.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Asikasuhin mo kung paano ka kikita ng ma­laki. Sa panahon ngayon, puwedeng-puwede itong mangyari. Kaya muli, asi­kasuhin mo ang pagkita ng malaki. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-20-24-25-31-32.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ipakita mong buo ang iyong loob at huwag mong ipakita ang iyong pag-aalinlangan. Sa gani­tong paraan, hindi na maka­poporma ang mga naiing­git sa buhay mo. Masuwer­teng kulay-blue. Tips sa lotto-5-13-29-30-38-43.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong palitan ang iyong am­bisyon. Ang nararanasan mo ay nagsasabi na bago makuha ang mahalagang bagay, kailangan muna itong paghirapan. Masu­werteng kulay-black. Tips sa lotto-16-19-23-36-39-44.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Bago mag­karoon, mag­­si­simula ka sa wala. At kapag meron na, ito ay dumarami. Ito ang iyong paniwalaan da­hil ito ang lihim ng ta­gum­pay na kailangan mong ma­una­waan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-11-16-22-23-41.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kinakaba­han ka na na­man at muk­hang hindi mo itutuloy ang matagal mo nang gusto na pagyaman. Mawawala ang kaba mo kapag nagawa mo na ang mga unang hak­bang. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-15-18-20-21-24.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kikilos ka na parang hin­di nag-iisip. Ano kaya ang magiging re­sulta nito? Ayon sa ka­pa­laran mo, mabuting ku­milos ka nang kumilos at huwag mong una­hin ang mag-isip. Masu­werteng kulay-red. Tips sa lotto-13-15-26-30-31-36.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Sindak sa iyo ang mga lihim at lantad na mga kaaway mo dahil hin­di nila nababasa kung ano ang gusto mo sa buhay. Sa kakaibang estilong ito, hin­di sila mananalo laban sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-17-19-29-30-36-41.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page