Grade 11 nakuryente sa poste ng traffic light, dedo
- Jeff Tumbado
- Oct 10, 2019
- 1 min read

Nasawi ang Grade 11 student matapos makuryente sa poste ng traffic light sa Bgy. Panacan, Davao City, kamakalawa.
Kinilala ang biktima na si Laurence Allen Barrios Siarot, 19, estudyante ng Rizal Memorial Colleges (RMC).
Ayon sa report, may kalakasan umano ang pagbuhos ng ulan pasado ala-1:00 ng madaling-araw nang matapakan ng biktima ang basang semento na malapit sa poste ng traffic light at doon bigla na lamang itong nangisay at tumumba.
Nakita umano ng security guard na si Frederick Tolibas ang nangyari kay Siarot kaya agad itong humingi ng tulong pero, marami umano ang ayaw lumapit sa biktima sa takot na makuryente rin.
Naisugod pa sa Southern Philippines Medical Center (SPMC) si Siarot pero, idineklarang dead- on-arrival ito.





Comments