Dami ng nagawa sa Maynila sa loob ng 100 days, hindi pa sapat na basehan ng pagbabago

Kahapon ay nag-report tayo sa mga nagawa natin sa unang 100 araw ng ating panunungkulan bilang alkalde ng Lungsod ng Maynila. Bagama’t, maiksi ang mahigit tatlong buwan upang makagawa ng sapat na pagbabago, ginawa natin ang lahat ng ating makakaya upang mapaganda ang katayuan ng mga kababayan natin.
Sa aking palagay, hindi ito tanong kung ilan na ang nagawa natin sa unang 100 araw, pero mas importante kung ano pa ang mga dapat gawin at hindi pa nagagawa.
Dapat nating sukatin ang governance base sa resulta at hindi lamang sa bilang ng mga nagawang proyekto. Hindi ito karera o paligsahan, palagi nating sinasabi na lahat ng nakikita ninyong pagbabago sa Maynila ay napakaliit na bagay lang kumpara sa daan na tatahakin pa natin.
Mahirap mag-umpisa ng termino na may budget deficit, pero hindi tayo naghahanap ng dahilan o excuse para hindi magampanan ang ating trabaho.
Para sa akin, ang endgame ko ay bago matapos ang termino ko, mapataas man lang ang tinatawag nating “quality of life” ng mga kababayan natin sa Lungsod ng Maynila.
Actually, wala tayong nagagawa kung meron man tayong hindi magandang nababasa o naririnig tungkol sa mga ginawa nating clean-up drive, social amelioration programs and other privately partnered at initiated projects dahil kakarampot lamang ito sa mga suliranin na gusto at dapat nating masolusyunan.
Kung bibigyan ko ng grado ang sarili ko, sa scale na 1 hanggang 10 (10 ang pinakamataas), 5 ang ibibigay ko dahil pakiramdam ko ay marami pa akong dapat gawin o kaunti pa lang ang aking nagagawa para sa lungsod at mga taga-Maynila. That will serve as a motivation for me also to work even harder para sa mga kababayan natin sa Lungsod ng Maynila.
Tulad ng nasabi natin, importante ang disiplina sa lahat ng bagay na ginagawa natin sa bawat araw. Patuloy tayong makiisa at magtulungan upang maibalik natin ang Maynila sa dati nitong kinalalagyan.





Comments