top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

2 drug dens ni-raid, 16 tiklo

Maeng Santos
Oct 10, 2019
1 min read

Dalawang drug dens ang nalansag habang 16 na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga ang natimbog sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Valenzuela City.

Ayon kay Valenzuela Police Chief P/Col. Carlito Gaces, alas-2:45 kahapon ng madaling-araw nang masakote ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Segundino Bulan, Jr. sina Billy Abad, 39, at Elmer Martin, 46, matapos magbenta ng sachet ng shabu sa poseur-buyer kapalit ng P200 marked money sa Bgy. Gen. T. de Leon.

Ani Col. Gaces, nadiskubre na ang bahay ni Martin ay ginagamit umanong drug den matapos maaktuhang nagsa-shabu sa loob sina Luis Calisaan, 46; Dexter Tamaña, 43; Jackson Palos, 41, at Mark Lagansua, 42.

Narekober kay Abad ang dalawa pang sachets ng shabu at buy-bust money habang ang ilang plastic sachets na may bahid ng shabu at ilang drug paraphernalias ay nakuha sa loob ng bahay ni Martin.

Alas-2:20 ng madaling-araw nang madamba ng mga operatiba ng SDEU sina Jerald Parungao, 32, at Archie Tolentino, 39, sa buy-bust operation sa Bgy. Malinta habang sina Fernando Padasas, 44; Ronell Soriano, 31, at Louie Prospero, 22, ay naaktuhan namang sumisinghot ng shabu sa loob ng bahay.

Anim na sachets ng shabu, P300 buy-bust money at ilang drug paraphernalias ang nakumpiska sa mga suspek.

Nauna rito, alas-8:00 ng Martes ng gabi, timbog din ng operatiba ng SDEU sina Angelo Pabaya, 30; Maritess Bartolome, 31; Oscar Ucsan, 37; Jomar Dominic San Diego, 22, at Arnel Osico, 29, sa buy-bust operation sa kanto ng Sabino Alley, Bgy. Maysan at nakumpiska sa mga ito ang apat na sachets ng shabu at P300 marked money.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page