Tigers sinakmal ang Kuyas; Athletics, ginitla ang Knights

Inilabas ng Davao Occidental Tigers ang kanilang bangis habang naging malakas ang laro ng Batangas City Athletics noong Lunes ng gabi sa MPBL Lakan Season sa Batangas State University Gymnasium sa Batangas City.
Pinagbidahan ni Mark Yee ng Tigers ang double-double performance para pasukuin ang Bulacan Kuyas, 91-75 sa opener at lumakas pa ang kapit sa liderato ng South division.
Ginapi ng Athletics ang San Juan Knights sa 1 point sa huling 3 minuto, 93-88.
Tumatrangko hanggang 3:23 na minuto na nalalabi 82-85, nagbagsak ang Athletics ng 9-1 salvo sa bisa ng tikas ni Dan Sara at kabigin ang ika-11 panalo kontra 5 talo.
Kumamada si Yee ng 18 points at 10 rebounds para sa Tigers, para dalhin sa 82-56 score, kasunod ng 15 puntos ni Marco Balagtas, Richard Albo na may 11 at Billy Robles 10. Ibinigay ng Tigers sa Kuyas ang ika-7 pagkatalo sa 16 na laro sa kabila ng 19-points na nagawa ni Adven Jess Diputado.
Nakarekober si Francis John Munsayac mula sa unang sablay nang kumana ng dagger jumper bago kumulapso ng 2 segundo at magwagi ang Imus Khaleb Shawarma Bandera laban sa Mindoro Tamaraws, 88-86 sa second game.





Comments