RTC Team Grimaldo, Adona at Doneza, champ sa 88-km R2L2Q

Photo: RTC
Hindi lamang pansariling kaligtasan ang iniisip ng nagkampeon sa Rizal to Laguna to Quezon (R2L2Q) 88-km Ultra Marathon na si Edwin Grimaldo maging ang kapakanan din ng iba pang kasabayang mananakbo habang tinatahak ang makasabog-bagang ruta na nagmula sa Pililla, Rizal hanggang Infanta, Quezon. “Una po sa lahat, masaya po ako at nakatapos ako ng maaga nang ligtas. Kaya naman nagka-oras pa ako para bumalik upang -pace ko pa sina Sir Art at Mam Jing na tumatakbo rin para sa 88-km. Masarap po sa pakiramdam na nakatapos ako at nakatulong sa ka-teammate ko sa Running Team Calabarzon (RTC),” ayon sa energetic na si Edwin, 36-anyos na may markang 8 oras, 2 minuto at 40 segundo pagtawid sa meta.
Makaraan ang 1 oras ay kasunod niya si Ron Abando Valiente (9: 22.30) at matapos ang 3 minuto ay kasunod ang 52-anyos na si Honesto Adona ( 9:25.21).
Ganap na alas-11 ng gabi nitong Sabado, Oct. 6 ang gunstart at sa magdamagang hagaran na iyon na dumaan pa sa paanan ng bundok ng Sierra Madre na nilahukan ng halos 200 ultra runners at matatapang na tinahak ang napakadilim at napakalamig ng klima na ayon kay Grimaldo, “para po sa’kin wala pong madali at mahirap. Kaylangan lang po sa’tin konting ensayo lang po. Nasanay lang po ako tumakbo nang palusong, iyon lang po ang pinakamadali, kaya pinapaspasan ko na.”
Nagkampeon sa kababaihan si Queen Anne Borlongan na may markang 10 oras, 1 minuto at 5 segundo, 2nd place si Avegail Depanay (11:21:50) at tumersera ang 57-anyos na si Marlene Gomez Doneza (14:03:10)
Dagdag pa ni Grimaldo, “habang tumatakbo po ako nagdarasal ako at sa headset ko ay nakikinig ako ng mga kantang pang-simbahan, nakakawalang-pagod habang tumatakbo.”
Sikreto ng ating bida pagdating sa training, “Ginagawa ko po sa loob ng isang linggo 3 beses po ako nage-ensayo. Kapag malapit na po ang takbo ko pahinga ako, masama naman po puro ensayo at baka po ma-over fatigue. Mahirap po kung puro ensayo, mauubos po ang lakas.”
“Ang maipapayo ko sa runners para maabot po nila ang tagumpay gaya ko ay dapat may magandang pakikisama sa kapwa runner. Sa pagkain po, nagkakape lang po ako ng 2 beses sa umaga. Kakain lang po ako pag inabot ng gutom.
Minsan po sa tanghali ay kape at tinapay lang din.” salamat po sa bulalo na treat sa akin ng ka-runner ko, doon po ako lumakas,”.





Comments