top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Pramis ni P-Du30 na dagdag-sahod, hindi na bumebenta sa mga titser

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 9, 2019
  • 1 min read

''There it’s coming ang increases nila. But hindi double. But mas marami ang teachers, my God. Pero nandiyan po, dadating ‘yan this year.”

Ito ang tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa inihihirit na dagdag-sahod sa mga guro.

Gayunman, tila hindi bumenta ang pangako sa ibang titser. Anila, hangga’t hindi ito natutupad, hindi sila maniniwala at lalong hindi sila matatahimik.

Iginiit din ng ilang grupo na hindi sila kuntento sa bagong pahayag ng pangulo. Ang nais nila ay sundin ang kanilang hinihinging dagdag-sahod na makatarungan at hindi ‘yung kung ano ang gustong ipatupad ng gobyerno.

Matatandaang, sa kanilang kilos-protesta kamakailan, P30,000 ang inihihirit nilang pasuweldo para sa Teacher 1 habang P31,000 naman sa Instructor 1. Kung hindi raw ito mapagbibigyan ay hindi sila titigil sa pagsasagawa ng mga rally.

Kaugnay nito, may iba pang panukalang magdaragdag sa sahod ng mga titser. ‘Yan ay sa pamamagitan ng umento sa kanilang chalk allowance, clothing allowance, karagdagang higher salary grade positions at Personnel Economic Relief Allowance (PERA).

Hindi maitatangging may mga guro na napipilitang humugot sa kanilang sariling bulsa para sa mga kailangang gamit sa kanilang pagtuturo. Meron ding mga magulang na medyo nakakaluwag-luwag na batid ang pangangailangan sa eskuwelahan at kusa na ring nag-aambagan.

Masasabing masuwerte ang ating gobyerno dahil may mga manggagawa tulad ng mga guro na nauunawaan ang sitwasyon ng edukasyon sa bansa. May mga guro na kailangan pang tumawid ng ilog, bundok, pati sa mga lugar na may banta ng karahasan ay kanilang sinusuong para lang makapagturo.

Kaya sana, makagawa rin ng paraan ang ating mga opisyal na masuklian ang kanilang paglilingkod para sa mga mag-aaral at sa bayan.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page