top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

Parking fees sa mga mall, tapyasan

  • Jeff Tumbado
  • Oct 9, 2019
  • 1 min read

Pinatatakda sa mas mababang halaga ang singil ng mga establisimyento na parking fees sa mga motorista kasabay ng pagtitiyak ng proteksiyon ng sasakyan ng mga kostumer.

Sa harap ito ng sobra-sobrang halaga ng parking fees na umaabot pa ng mahigit P700 pero, may waiver of liability o iwas-pananagutan ang may-ari ng parking space sakaling manakaw o masira ang sasakyan ng mga ito.

Sa ilalim ng House Bill 3262 o Parking Fees Regulation Act ni Valenzuela City Rep. Wes Gatchalian, magiging P40 ang standard fee ng bawat sasakyan para sa unang walong oras. Kung lalagpas, madaragdagan ng P10 kada oras.

Ang overnight parking naman ay mayroon lamang one-time fee na P100 kada sasakyan.

Kung ang motorista ay pumasok at lumabas din sa loob ng grace period na 30-minuto, hindi na ito sisingilin ng standard parking fee.

Nakasaad din sa panukala na kung ang kustomer ay nakapagpakita ng validated na resibo na hindi bababa sa P1,000 ang halaga ng binili sa mall, restorano iba pang tulad nito at hanggang tatlong oras lang ang parking, pupuwedeng ma-waive ang parking fee.

Oobligahin din ang mga establisimyento at mga operator ng parking space na panatilihin ang seguridad o pagbabantay sa mga sasakyan ng kanilang kostumer.

Mapapatawan din ng multang hindi bababa sa P150,000 kada kostumer o pagkakapiit ng hindi bababa sa isang taon ang matutukoy na labis ang singil ng parking fees.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page